Abante Tonite
Mabilis sa Balita

55K nakarekober sa coronavirus

0 268

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 55,204 record high ng mga bagong gumaling sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, Abril 11.

Ayon pa sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 393, nasa 11,681 naman ang mga bagong kaso kaya umabot na sa 864,868 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus infection sa buong bansa.

May 201 katao naman ang nadagdag sa mga nasawi sa virus kaya nasa 14,945 na ngayon ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19.

Patuloy naman sa paglobo ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na nasa 146,519 na hanggang kahapon ng hapon, base sa datos ng DOH.

SM food to go Banner Ad

Samantala, nabatid na may 22 duplicate case ang inalis sa kabuuang bilang at pito rito ang nakarekober.

Habang 13 kaso naman na unang naitalang nakarekober ang nalaman na namatay pala matapos ang final validation.

Anim na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) noong Abril 10, 2021.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.