Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5,650 pulis nahawa ng COVID-19

0 94

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 119 bagong kaso ng mga tauhan nito na nahawa sa COVID-19, kaya umakyat na sa 5,650 ang kabuoang bilang ng mga tinamaan sa hanay ng kapulisan.

Sa bilang na ito 4,407 na umano ang gumaling, habang nanatili naman sa 17 ang bilang ng mga nasawi. Patuloy namang binabantayan ng PNP Health Service ang 1,226 aktibong kaso.

Ang mga pulis umano na nagpositibo sa COVID-19 ay sumasailalim sa 14 araw na quarantine bago kuhanan ng panibagong test. Sakaling magnegatibo na, kinakailangan pa rin nilang magpahing ang pito hanggang 10 araw bago makabalik sa duty.

Leave A Reply

Your email address will not be published.