Abante Tonite Interactive

57.6°C heat index naitala sa Aparri

0 258

Pumalo sa 57.6°C ang heat index na naram­daman sa Aparri,­ Cagayan kahapon ayon sa Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa).

Dakong alas-dos nang hapon nang maitala ang pinakamataas na heat index na naramdaman sa bansa nga­yong taon. Nalampasan nito ang 51.7°C heat index na naitala sa Dagupan City, Pangasinan noong Abril 14.

Samantala, naitala rin kahapon ang 50.4°C heat index o ikalawang pinakamataas sa Dagupan City na sinundan ng 49.2°C sa Casiguran, Aurora.

Ayon sa weather bureau, ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng tao.

Babala ng Pagasa, mataas na ang tsansa ng heat cramp at heat exhaustion kapag pu­malo na ang heat index sa 41°C hanggang 54°C.

Mas mataas din umano ang tsansa ng heat stroke kapag tumaas pa sa 54°C ang heat index.