Abante Tonite Interactive

57 buwena-mano sa anti-illegal parking

By
170

Sa unang araw ng pagpapatupad ng anti-illegal parking , nasa 57 motorista na lumabag dito ang nasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos patawan ng mataas na multa sa traffic vio­lation.

Simula alas-siyete nang umaga hanggang alas-10:00 nang umaga ay nagsagawa ng anti-illegal parking operation ang mga tauhan ng MMDA sa area ng F.B. Harrison, Taft Ave­nue, Buendia, Quirino Highway, Parañaque, Roxa­s Boulevard hanggang T.M. Kalaw at Baclaran.

Dito ay naabutan ng mga tauhan ng MMDA ang sasakyang naka-illegal parking sa nabanggit na mga lugar.

Dahil dito’y dinakip at inisyuhan ang mga ito ng ticket.
Kahapon ang unang araw nang pagpapatupad ng MMDA para sa mataas na multa sa mga traffic violation tulad ng anti-illegal par­king, yellow bus lane at iba’t ibang uri ng traffic obstructions.

Napag-alaman na P1,000 ang multa para sa attended illegal parking at P2,000 naman sa unattended illegally parked.
P1,000 din sa mga lumabag sa traffic obs­truction at igno­ring traffic signs. P1,000 rin ang multa para sa luma­bag naman sa yellow bus lane sa EDSA.

Samantala, ayon naman sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, posible namang matiketan ng hanggang dalawang beses sa loob ng tatlong oras ang mga pasaway na mga motorista.