Abante Tonite
Mabilis sa Balita

572 sutil sa health protocol sinampolan

0 350

Umabot sa 572 katao ang dinakip ng Bulacan PNP sa magdamag dahil sa paglabag sa pinaiiral na quarantine protocol, curfew at liquor ban sa Bulacan sa buy-bust operation sa Meycauayan City, San Jose del Monte City, Marilao, Obando at Pandi, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, 30 katao ang naisyuhan ng pulisya sa Bulacan ng citation tickets dahil sa liquor ban, 140 ang lumabag sa curfew at 402 ang lumabag sa minimum health standard protocol.

SM food to go Banner Ad

Mas pinaigting ngayon ng Bulacan PNP ang checkpoints at pagpapatrulya sa 569 barangay sa Bulacan upang mapigil ang paglobo ng COVID-19 matapos ipasailalim ang lalawigan sa GCQ. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.