Abante Tonite
Mabilis sa Balita

58 barangay sa Rizal mawawalan ng tubig

0 69

Inanunsyo ng Manila Water na magkakaroon ng water service interruption sa may 58 barangay mula Nov. 23-24 sa lalawigan ng Rizal.

Asahan na mawawalan ng spplay ng tubig sa loob ng siyam na oras para sa pagsasailalim sa maintenance works matapos masira ng nagdaang bagyong Ulysses ang mga linya nito kung saan ay napuno ng putik at nagbara kaya kailangang isaayos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang ang Taytay sa apektadong bayan at inaasahang apektado ang barangay Muzon, San Juan at Dolores, siyam na ang apektado sa Angono, pitong barangay sa Cardona, 21 barangay ang apektado sa bayan ng Binangonan, siyam sa Baras at siyam na barangay sa Jala-jala.

Sa inilabas na advisory ng Manila Water, isasailalim sa maintenance works ang Cardona Water Treatment Plant sa Rizal para mapanatili ang malinis na tubig sa mga nasasakupang lugar. (Vick Aquino/Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.