Abante Tonite Interactive

58 oras ang record ng pinakamatagal na halikan

23

Ayon sa Guinness Book of World Records, ang may pinakamatagal na halikan ay nasungkit ng mag-asawang Ekkachai at Laksana Tiranarat ng bansang Thailand.

Magkalapat ang kanilang mga labi sa loob ng 58 oras, 35 minuto at 58 ­segundo mula Pebrero 12-14, 2013.

***

Philematology ang tawag sa agham na nag-aaral tungkol sa halik.

***

Dalawa sa tatlong tao ang ikinikiling ang kanilang ulo sa kanan kapag nakikipaghalikan.

***

Ang orbicularis oris ang natatanging muscle na responsable sa pagkilos ng mga labi habang humahalik.

***

Ang halik ay malaki ang naidudulot sa kalusugan, ang isang minutong halik ay nakakabawas ng taba at nakakasunog ng 26 na calories sa katawan.

***

Ang halik din ay sikretong sangkap upang mapa­haba ang buhay o life ­expectancy na karaniwang Pinoy na umaabot sa 69.

***

Related Posts

Ayon sa pagsusuri, nadaragdagan ng limang taon ang buhay ng mga lalaking humahalik sa kanilang asawa bago ­pumasok sa trabaho.

***

Mas binibigyang importansiya ng mga babae ang paghalik bilang mahalagang sangkap ng relas­yon, kaysa sa mga lalaki.

***

Ang epekto ng unang halik — nakakaramdam ng sensation mula sa neurotransmitter dopamine. Ang dopamine ay may kaugnayan sa “pleasure system” ng utak upang makaramdam ng kasiyahan at motibasyon na ipagpatuloy ang gawain. Ito rin ang dahilan kung bakit masarap balik-­balikan ang alaala ng ­unang halik at ang pagkakaroon ng pagnanais na maulit pa ito.

***

Napupukaw ng paghalik ang oxytocin ng katawan na tinatawag din na “love hormone”.

­Napipigilan ­naman nito­ ang pagkalat ng cortisol o “stress hormone” sa ­katawan.

Ang Endorphins ay ang natural pain at stress fighters ng katawan. Sa pamamagitan ng paghalik, dumadaloy ang ­Endorphins na nagdudulot ng euphoria sa tao. Ang euphoria ay ang p­akiramdam na wari ay nasa rurok ng kasabikan at ­kasiyahan.

Nararamdaman ng isang taong nakikipaghalikan ang pagbilis ng tibok ng puso, pagsikip ng hininga dahil mas maraming oxygen ang nagmamadaling dumaloy papuntang utak.

Pansinin din na ang pupils ng mata ay lumiliit.

***

Ayon sa mga antropo­logo, 90 porsiyento ng populasyon ng mga tao sa mundo ang nakikipaghalikan na may iba’t ibang dahilan at paraan. Iba-iba ang adwana o kissing customs na pinapairal sa iba’t ibang panig ng mundo.