Abante Tonite
Mabilis sa Balita

584 iligal na baril nasabat ng PNP

0 211

Aabot sa 584 na hindi mga lisensyadong baril ang nakumpiska ng Supervisory Office on Security and Investigation Agency ng Philippine National Police (SOSIA-PNP) sa kanilang pinaigting na inspeskyon mula buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Sa press briefing sa Camp Crame nitong Byernes, ipinakita ang ibat-ibang kalibre ng baril na nakumpiska galing sa mga guwardiya sa Metro Manila.

Ayon kay Police Col. Sydney Villaflor, hepe ng SOSIA, nasa 300 percent ang itinaas ng mga baril na kanilang nakumpiska sa kanilang post-inspection.

Paglabag naman sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang kinakaharap ng mga guwardya dahil sa kawalan ng lisensya.

Habang ang kanilang security agency ay posibleng maharap din sa reklamo depende sa dami ng kaso na kinasasangkutan ng kanilang guwardya.

Dadalhin naman ang mga nakumpiskang mga baril sa Crime Laboratory at Firearms and Explosives Office para sa safekeeping. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.