Abante Tonite
Mabilis sa Balita

58M Pinoy babakunahan para sa herd immunity – Palasyo

0 251

Magiging puspusan ang vaccination rollout ng gobyerno para maabot ang target na 58 milyong herd immunity sa huling bahagi ng taong 2021.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng dumaraming sektor sa priority list na nabakunahan na ng gobyerno.

Ayon kay Roque, planong tapusin ang pagbakuna sa mga nasa kategorya ng A1, A2 at A3 hanggang sa katapusan ng buwan at pagdating ng Hunyo ay sisimulan na ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa A4 at A5.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inihahanda na aniya ng gobyerno ang mga mega at giga vaccination center para pagdating ng Agosto ay masimulan ang pagbakuna sa mas maraming tao.

Magiging istratehiya aniya ng gobyerno na unahin ang mga lugar kung saan naitala ang mataas na kaso ng COVID-19 katulad sa NCR Plus kasama na ang Metro Cebu at Metro Davao.

Ayon kay Roque, 70% o lagpas 58 milyon ang kailangang mabakunahan sa mga lugar na ito upang makamit ang herd immunity. (Aileen Taliping/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.