Abante Tonite Interactive

59 PUI nakasalamuha ng 3 Chinese COVID-19 carrier

263

Kasama na sa 408 kabuuang bilang ng patient under investigation (PUI) ang 59 katao na nagkaroon ng interaksyon sa tatlong Chinese natio­nal na nagpositibo sa coronavirus di­sease (COVID-19) ayon sa Department of Health (DOH).

Sa bilang na ito, 44 umano ay nagkaroon ng contact sa Chinese couple mula Wuhan, habang ang iba ay nakasalamuha naman ng 60-anyos na Chinese na ikatlong COVID-19 case sa bansa.

Ayon sa ahensya, nagpakita umano ang mga ito ng sintomas ng nasabing sakit kaya patuloy pang binabantayan. Binabantayan din ang 238 nananatiling naka-confine pa sa ospital.

Nabatid na 165 na ang na-discharge habang 208 naman ang nagnegatibo sa ginawang test.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na wala pa ring matibay na ebidensya na isang airborne disease ang COVID-19. Sanhi nito, hindi pa rin nababago ang abiso ng kagawaran hinggil sa paggamit ng mask. (Juliet de Loza-Cudia)