Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5K apektado ng baha sinagip sa Davao, Caraga

0 29

Umabot na sa 5,475 katao o 1,400 pamilya mula sa 40 barangay sa Davao at Caraga region ang sinagip sa pagbaha, kasunod ng pag-ulan dulot ng bagyong ‘Auring’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Ongoing po ang response operations to the communities affected by flooding sa Surigao Del Sur and several areas sa Surigao Del Norte,” pahayag ni NDRRMC media liaison Easha Mariano kahapon.

“Top priority po ang rescue operations to flooded areas,” dagdag pa nito.

Sa isinagawang preemptive evacuation ng NDRRMC, umaabot na sa 10,911 katao o 3,162 pamilya ang lumikas na sa kanilang mga bahay dahil sa inaasahang flashflood kung saan nasa 44 kabahayan na ang naiulat na partial damage sa Surigao del Sur at Surigao del Norte. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.