Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5K mahihirap benepisyaryo ng P34M PCSO medical aid

0 149

Nagkaloob ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mahigit sa P34 milyong halaga ng medical assistance sa may 5,082 eligible indigent beneficiaries nito sa buong bansa sa loob lamang ng limang araw.

Ayon kay PCSO general manager Royina Garma, ang naturang kabuuang halaga na aabot sa P34.49 milyon ay ipinagkaloob nila sa mga benepisyaryo mula Abril 19 hanggang 23 lamang.

Sa ilalim ito ng kanilang Medical Access Program (MAP), o dating Individual Medical Assistance Program (IMAP), na idinisenyo upang makatulong sa pangangailangang medikal ng mga mahihirap nating kababayan, para sa kanilang pagpapa-ospital, chemotherapy, dialysis, at post-transplant medicines.

Una nang sinabi ni Garma na ipinagpapatuloy ng PCSO ang pagkakaloob ng medical assistance sa dumaraming bilang ng mga indigents na humihingi ng tulong sa kanila, sa gitna ng krisis ng COVID-19.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.