Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5K pamilya lockdown sa Caloocan

0 386

Apektado ngayon ang araw-araw na pamumuhay ng mahigit sa 5,000 household sa Barangay 38 sa Caloocan City, nang isailalim ito ng lokal na pamahalaan sa pitong araw na lockdown, dahil sa pagtaas ng nagpopositibo sa COVID-19.

Sa anunsiyo ni Mayor Oscar Malapitan, 42 na ang positive sa virus sa nasabing barangay sa loob lang ng halos dalawang linggo, base sa pagsusuri ng City Epidemiology Surveillance Unit. Nagsagawa ng house to house relief operation ang mga tauhan ng city hall para sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis at papayagan lamang na lumabas ng bahay ang mga nagtra-trabaho. Magtatapos ang lockdown sa Hulyo 22. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.