Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5K pulis sinibak sa Duterte admin

0 71

Kinumpirma ni Depart­ment of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahigit sa 5,000 pulis ang tinanggal sa serbisyo sa pa­nahon ng administrasyong Duterte.

Sa isang taped public briefing, sinabi ng kalihim na simula Hulyo 2016, nasa 5,178 pulis ang sini­bak sa tungkulin dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Mayroon rin aniyang 50 jail officer at 16 fire officer na natanggal sa kanilang trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anang kalihim, nito lamang Hunyo, 84 pulis ang nagpositibo sa pag­gamit ng iligal na droga at na-dismiss sa serbisyo.

Samantala, nasa 28 pulis din ang inaresto dahil naman sa pagkakasangkot nila sa iligal na droga. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.