Abante Tonite Interactive

5K toneladang basura ng Verde Soko ibabalik sa SoKor

532

Ikinatuwa ng mga environment watchdog ang pahayag ng Bureau of Customs (BOC) na ibabalik na sa South Korea ang mga basurang nakaimbak sa isang pasilidad sa Misamis Oriental sa darating na Enero 19 at Pebrero 19 ngayong taon.

Nasa 5,177 tonelada ang mga basu­rang galing sa South Korea na ni-repack at inimbak sa Phividec Industrial Authority compound sa Tagoloan, Misamis Oriental. Kabilang ito sa kabuuang 6,500 tonelada ng mga plastic waste na inangkat ng Verde Soko noong 2018 para i-recycle umano upang magamit sa paggawa ng mga plastic pro­duct.

Kinumpiska ng BOC ang mga basura dahil sa kawalan ng import permit ng Verde Soko mula sa Department of Environment and Natural Resources. (PNA)