Abante Tonite Interactive

5M estudyante apektado sa pagsabog ng Taal Volcano

385

Umaabot sa 5,942,724 mag-aaral sa tatlong apektadong rehiyon, kabilang na ang Metro Manila, ang apektado sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas City.

Batay sa report ng Department of Education (DepEd), apektado sa pagsabog ang National Capital Region (NCR), Metro Manila, Region 3, at Region 4-A (Calabarzon), kung saan mayroong 5,395 private at public schools ang apektado, at may higit 5.9 milyong bilang ng mga mag-aaral na hindi pinapasok dahil sa pagbuga ng ash fall.

Nasa 14 paaralan naman sa Calabarzon Region ang ginamit bilang temporary evacuation center ng 212 apektadong pamilya o nasa 736 katao.

Nilinaw ng DepEd na naka-deploy na ang kanilang Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) staff sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) operations para ma-monitor ang sitwasyon at magbigay ng updates sa nagaganap sa pagsabog ng bulkan.

Kabilang na rito ang paghahanda sa mga apektadong rehiyon, dibisyon, at paaralan na gagawing evacuation centers, at pagdedeklara ng class suspension sa ilang eskwelahan. (Vick Aquino)