Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5M pamilya gutom sa pandemya

0 291

Umabot sa 5.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng kagutuman sa nakalipas na tatlong buwan kung saan pinapatupad ang community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula July 3 hanggang 6, lumabas na 20.9% ang nagutom na pamilya dahil walang makain, higit na mas mataas sa naitala na 16.7% noong Mayo ngayong taon.

Sa nasabing datos, 15.8% ang nakaranas ng moderate hunger habang 5.1% naman ang nagkaroon ng severe hunger.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phone o computer-assisted telephone interview sa 1,555 Pinoy na nasa edad 18 pataas.

Nasa 306 ng mga respondent ay mula sa National Capital Region, 451 sa Balance Luzon, 388 sa Visayas, at 410 sa Mindanao.

Ito umano ang pinakamataas na hunger rate mula noong Setyembre 2014 na nakapagtala ng 22.0% lamang sa mga na-survey na pamilya.

Sa Visayas umano ang may pinakamataas na hunger rate na naitala sa 27.2% o 1.3 milyong pamilya kasunod ang Mindanao na mayroong 24.2% at sa Luzon, 17.8%.

Leave A Reply

Your email address will not be published.