Abante Tonite Interactive

6.16M sa loob ng 9-buwan ‘Pinas dinadagsa ng mga turista

271

Napanatili ng industriya ng turismo sa Pilipinas ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga turista na bumisita mula noong Enero, na lumampas sa anim na milyon pagkatapos ng buwan ng Setyembre, ayon sa ulat ng Department of Tou­rism (DOT).

Sa pinakahuling datos na inilabas ng DOT, ang Pilipinas ay nakatanggap ng kabuuang 6,161,503 bisita mula Enero hanggang Setyembre, na nagpahiwatig sa pagtaas ng 14.37 porsiyento mula 5,387,458 na naitalang dumating sa magkatulad na panahon noong nakaraang taon.

“The figures look very promising, and we are glad that more tourists are visiting us in light of the accolades received by the Philippines and our destinations throughout the year,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ang bilang ay nagpapakita ng pagtaas na 17.09 porsiyento, kumpara sa 518,041 na bilang ng bisita para sa Setyembre 2018.

Ang 2019 ay napatuna­yan na isang magandang taon para sa turismo ng Pilipinas dahil ang bansa ay nakatanggap din ng maraming pagkilala sa napapanatiling mga pagsisikap sa turismo. (Mina Aquino)