Abante Tonite Interactive

6-anyos ni-rape ng teenager sa condo

532

Ipinaaresto ng isang ginang ang kapitbahay nilang 15-anyos matapos halayin ang kanyang 6-anyos na babaeng anak sa Pasay City nitong Miyerkoles ng gabi.

Nanginginig at umiiyak pa nang dumulog sa tanggapan ng Pasay City Police ang ina ng bata na si Cristine, 29, kasama ang anak na itinago sa pangalang ‘Lenlen’ upang ipagharap ng reklamo ang kapitbahay nilang binatilyo na si Daniel, matapos halayin ang kanyang anak.

Sa salaysay ng ginang sa Women and Children Protection Desk, ng Pasay City Police, naganap ang panghahalay dakong alas-6:30 ng gabi sa ika-12 palapag sa Central Park Condominium, Brgy. 132 ng nasabing lungsod.

Ayon sa ginang, agad siyang humingi ng tulong sa security guard ng condo
matapos magsumbong si ‘Lenlen’.

Umiiyak na nagsumbong ang bata sa kanyang ina sanhi ng patuloy na pagkirot ng kanyang kaselanan matapos na umano’y molestiyahin ni Daniel.

Nabatid na dahil parehong palapag ang tinutuluyan ng biktima at suspek sa nasabing condo ay madaling naaya ng binatilyo ang bata bago hinubaran at puwersahang hinalay. ­(Armida Rico)