Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6-anyos vinideo suicide ni yaya

0 132

Kinuhaan ng video ng 6-taong gulang na bata ang ginawang pagbibigti ng kaniyang yaya gamit ang binuhol na kumot saka ipinadala sa kaniyang ama sa Quezon City.

Dahil si ipinadalang video ng bata, natagpuan ang nakabigting katawan ng 27-anyos na kasambahay sa Novaliches. Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ng nito sa kusina ng pinagtatrabahuhang bahay nitong Huwebes ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Gamit ang cellphone video, pinadala ng bata ang kuha nito ng nakabigting katawan ng kaniyang yaya saka ipinadala sa kaniyang ama na nagtatrabaho sa Parañaque City. Dahil dito, agad na tinawagan ng ama ng bata ang kaniyang kapitbahay upang ipa-check ang ipinadalang video ng kaniyang anak.

Agad namang nagtungo ang kapitbahay, at doon ay bumungad sa kaniya ang nakabigting katawan ng kasambahay kaya agad na ini-report sa kanilang barangay official.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan nang pagbibigti ng nasabing kasambahay. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.