Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 arestado sa `University of Recto’

0 293

Binitbit ng mga tauhan ng Alvarez Police Community Precint (PCP) ang anim na kataong gumagawa ng mga pekeng IDs at Diploma sa tinaguriang `University of Recto’ kamakalawa sa may Claro M. Recto, Avenida, Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ni PLt. Rowell Robles, commander ng Alvarez PCP ang mga suspek na sina Josie M Gracas, Lolet M Dela Cruz, Roberto V DE Jesus, Roberto B Banting, Edilber C Medina at Romeo Z Herrera Jr.

Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng reklamo sa SMS si Manila Police District-Police Station 4 station commander PLtCol John Guiagui kaugnay sa patuloy na paggawa ng mga pekeng ID at diploma sa lugar.

Nagsagawa muna ng surveillance ang pulisya at nang makumpirma ay saka sinalakay ang lugar at naaresto ang mga suapek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.