Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 bahay nasunog, 5 sugatan

0 64

Limang pamilya ang nawalan ng tahanan habang lima naman ang nasugatan sa naganap na sunog sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), nawalan ng tirahan ang mga pamilya sa Barangay 132, Zone 13 sa Pasay City kung saan limang bahay ang natupok.

Habang isa pang bahay ang nasunog sa Tramo Street, Manuyo Uno, Las Piñas City.

Masusi ngayong iniimbestigahan ng tauhan ng BFP ang sanhi ng sunog. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.