Abante Tonite Interactive

6 bahay winalis ng buhawi

0 190

Nasa 28 katao ang nawalan ng tahanan­ matapos tumama ang buhawi­ noong Biyernes sa kasagsagan ng mala­kas na ulan sa Barangay Labaan, Bangued, Abra.

Ayon kay Bucloc, Abra Municipal Disaster Risk and Reduction Management Council (AMDRRMC) officer Ferdinand Balao-as, sa anim na bahay na winalis ng nasabing buhawi, 2 dito ang totally damage at apat ang partially damage.
Sinabi ni Balao-as na ang mga indibidwal na nawalan ng bahay ay sina Ruben Ganatin at Eliza Tubban samantalang nasira din ang tirahan nina
Amboy Gadsi, Eliza Salingbay, Zaldy Payo at Reynaldo Galvan.

Ayon sa AMDRRMC officer, ang mga biktima ng nasabing kalamidad ay binigyan na ng tulong ng local government unit ng Bangued. (Allan Bergonia)