Abante Tonite Interactive

6 baril, bala nakumpiska

317

Anim na matataas na kalibre ng baril at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkakasunod na search warrant operation sa Quezon kamakalawa.

Naaresto rin ang anim na katao kabilang ang isang babae na iligal na nag-iingat ng mga nasabing baril.

Sa bisa ng mga search warrant, isa-isang hinalughog ng operatiba ng Quezon PNP ang walong bahay ng mga suspek.

Sa Tayabas City, wala sa kanyang tahanan ang miyembro ng Philippine Navy na si Orlando Borce, subalit nakuha sa bahay nito ang isang rifle grenade, isang mortar 60mm TNT at iba’t ibang mga bala.

Sa Pagbilao, naaresto naman si Ana Abesamis Dañez, matapos makuha sa bahay nito ang isang 12 gauge shotgun at mga bala.

Natimbog din sina Reynaldo Papera Bulahan, Marcelo Maniebo Montales, at Richard Catipon Guerrero, sa Barangay Bukal Sur, Malabanban Norte at Barangay Masin. Nakuha sa mga ito ang tig-isang kalibre .45 at isang carbine rifle. (Ronilo Dagos)