Abante Tonite Interactive

6 bata sinagip sa Iligan cybersex den

By
154

Anim na batang edad 10 hanggang 11 taong gulang ang sinagip ng mga awtoridad matapos salakayin ang isang bahay na ginawang cybersex den sa Iligan City.

Ayon kay Jec Sacan, hepe ng Pag-asa Youth Home Center ng City Social Welfare and Development, apat sa mga batang nasagip ay anak ng 24-anyos na suspek at mga pamangkin nito ang dalawa pa.

Nasagip ang mga biktima makaraang salakayin ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa Brgy. Saray na ginagawa umanong cybersex den kasabwat ang kanyang 59-anyos na ina.

Nasakote ang mag-inang suspek pero hindi na pinabanggit ng mga awtoridad ang kanilang mga pangalan habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon.

“Ang dalawa ay apo nung mother sa ibang anak,” ayon kay Sacan.

Base umano sa mga ebidensiyang nakalap ng mga operatiba ng Regional Inter-Agency Council Against Trafficking at ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development, matagal-tagal na rin ang iligal na gawain ng mag-inang suspek.