Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 bayan sa Batangas ASF-free na

0 227

Idineklara ni Agriculture Secretary William Dar kahapon na nasugpo na ang African Swine Fever sa anim na bayan sa Batangas.

Kabilang dito ang Lipa City, San Jose, Malvar, Rosario, Taysan at Nasugbu.

Sabi ni Dar, magandang halimbawa ang Batangas para ipakita na kayang magtagumpay laban sa ASF.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa July 5 report ng Pilipinas sa World Animal Health Organization may 2,836 barangay pa sa 50 lalawigan at 12 rehiyon sa bansa ang may ASF pa.

Ayon naman sa ilan, bumaba na ang iniuulat na outbreak dahil halos wala nang nag-aalaga ng baboy lalo na sa Bulacan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.