Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 bayan sa Rizal walang tubig Oct. 21-22

0 254

Nanawagan ang Manila Water Company Inc. ni Ricky Razon at ng mga Ayala na mag-ipon ng tubig bago mawalan mula October 21, 2020 ng 9pm hanggang 5am ng October 22, 2020 sa 26 na barangay sa anim na bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa Manila Water, magkukumpuni ito sa Siruna Pumping Station sa Barangay Mambugan, Antipolo sa mga naturang petsa at apektado ang 210,000 katao o 42,289 na mga tahanan, commercial at business establishments sa Antipolo, Teresa, Morong, Taytay, Angono, at Binangonan.

Related Posts

Sa Morong, ang barangay lamang ng San Guillermo ang apektado; sa Taytay ay barangay ng Dolores; Barangay Mahabang Parang sa Angono at mga barangay ng Tayuman at Palangoy sa Binangonan.

Sa Teresa ay Poblacion, San Gabriel, May-Iba, Dulumbayan, Calumpang, Sto. Cristo, Prinza, Bagumbayan, Dalig, at San Roque ang mawawalan ng tubig.

Sa Antipolo naman ay Bagong Nayon, Mambugan, Mayamot, Cupang, Dalig, Dela Paz, Sta. Cruz, San Isidro, San Roque, San Luis, at San Jose ang tatamaan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.