Abante Tonite Interactive

6 bebot nabitag ng PDEA

By
1,799

Anim na babae ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation sa Roxas Boulevard, Pasay City noong Sabado.

Nakilala ang mga suspek na sina Lea Abdul Wahab, 19-anyos, sales lady, taga-Baclaran, Parañaque; Armida Casar, 28-an­yos, sales lady, ng Tarlac City; Casana Metalicof, 36-an­yos, taga-Marawi City; Astima Ampatua, 18-anyos, ng Dasmariñas, Cavite; Norlin Dimagtangal, 18-anyos, ng Dasmariñas, Cavite; at Fatima Abdullah, 18-anyos; taga-Tarlac.

May 500 gramo ng shabu ang nasamsam sa kanila na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

Ayon kay PDEA ­Director General Aaron Aquino, isinagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-3:45 ng hapon ng pinagsanib na mga ope­ratiba ng Special Enforcement Service at Regional Offices 6 at 9 at ng PDEA-Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM).

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa detention cell ng PDEA at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga operatiba ng PDEA upang madakip ang mga kasamahan ng anim na babaeng naaresto.