Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 BIFF member sumuko

0 48

Sumuko sa militar ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Kinilala ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Armed Force of the Philippines Western Mindanao Command, ang sumuko na si Badtogan Amino, ang sub-group leader ng Bungos Faction, at mga miyembro niyang sina Rasid Sangkali, Nasrudin Talib, Mohammad Abdul Samad, Khulo Amino at Aladin Gaapar. Kasama nitong sinurender ang matataas na kalibre ng baril.

Sabi ni Vinluan, ang pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng patuloy na opensiba at koordinasyon ng Joint Task Force Central. Dagdag niya, “Likewise, this is also attributable to the good governance of the local chief executives and to the collaborative efforts of the military, other security agencies, the different stakeholders, and the peace-loving people of Maguindanao.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.