Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 buwan lang paso na mga testing kit

0 75

Hanggang anim na buwan lamang maaaring gamitin ang isang testing kit pagkatapos na ilabas ito ng drug company, ayon sa Department of Health (DOH).

Hindi umano ito pareho ng mga gamot na maaaring tumagal ng tatlo hanggang limang taon bago tuluyang mapaso.

Ipinahayag ito ng DOH kasabay ng paglilinaw na hindi pa paso ang ipinamahagi na RT-PCR test kit ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Baguio City.

Nilinaw ng DOH at RITM na base sa delivery record at dokumento, walang expired testing kit na ipinamahagi sa anumang laboratoryo sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.