Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6-buwang buntis dinampot sa pagbebenta ng shabu

0 46

DINAMPOT ng mga pulis ang 6-buwang buntis sa magkahiwalay na anti-illegal drug bust sa Barangay Rosario, Santiago City, Isabela noong Lunes.

Pansamantalang itinago ng Santiago City Police Station (SCPS) ang pagkakakilanlan ng buntis na si Che-che, di tunay na pangalan, 27, ng nasabing barangay.

Samantala, ang kaibigan ni Che-che ay kinilalang si Chuck Nolie Cortez, 29, ng Poblacion Norte Maddela, Quirino ng nasabing lalaigan.

Dinakip si Che-che sa buy-bust operation ng mga pulis.

Sa interrogation, itinuro nito ang kaibigang salesman na si Chuck Nolie Cortez, 29, ng Poblacion Norte Maddela, Quirino, na kasama niya sa illegal na transaksyon kaya nagsagawa din ng panibagong operasyon.

Nakakulong ngayon ang dalawang suspek at kaukulang kaso ang isasampa sa kanila. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.