Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 Chinese binitbit sa pekeng medical certificate

0 203

Arestado ang anim na Chinese national at tatlong Pilipino matapos magsumite ng mga pekeng medical certificate sa isinasagawang COVID-19 vaccination Program ng Lungsod ng Maynila kamakalawa sa Sergio Osmeña High School sa Gagalangin, Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga binitbit ng Manila Police District-Police Station 1, ang mga suspek na sina Shi Jialiang, 34; Song Cai, 48; Manny Chan, 40; Jessie Ong, 48; Hong hong Yi, at Hing Yuen Wong, pawang mga Chinese national.

SM food to go Banner Ad

Gayundin sina Aune Loresto, 19, estudyante; Jolina Deonila, 19, housemaid at Deilita Solieta, 27.

Naganap umano ang insidente alas-otso ng umaga sa nabanggit na paaralan kung saan ang mga suspek ay naaresto matapos magsumite ng pekeng medical certificate sa isinasagawang mass COVID 19 vaccination para mabakunahan.

Binitbit sa MPD-PS 1 ang mga suspek para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kasong falsification of documents sa Manila Prosecutor’s Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.