Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 Chinese dakma sa P6.8M shabu

0 1,415

Arestado ang anim na Chinese national nang masamsam sa kanila ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyong sa Tipo Gate, Subic Bay Freeport kamakalawa.

Hinarang ng mga awtoridad ang mga suspek na sakay ng Nissan XTrail na may plate number XTP-513. Kinilala ang mga ito na sina Jiang Peng; Liu Qiao Zhi; Huang Du; Chen, Pingxing; Xia Fayong; at Fan Sheng Jian.

Ayon kay Highway Patrol Group Chief of Police Capt. Mark Abaja, pinatigil nila ang sasakyan na minamaneho ng dayuhan dakong alas-siyete Huwebes ng gabi dahil wala itong validating sticker. Dito na natuklasan na ang driver ay nagmamaneho nang walang lisensya at ang pasahero nito ay hindi nakasuot ng seatbelt.

Sa pag-iinspeksyon pa, agad nilang nadiskubre na may dalang shabu ang mga suspek na tumitimbang ng 1000 gramo. Bukod sa mga iligal na droga, nakakita rin sila ng isang .45 caliber pistol na may pitong bala, 11 cellphone, mga identification card, pasaporte, mga cash to cash transaction, at isang wallet.

Dinala na sa kostudiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspek. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.