Abante Tonite Interactive

6 COVID case naitala sa Aklan

373

Nakapagtala na ang lalawigan ng Aklan ng anim na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinakahuling nakapatala ng COVID case sa bayan ng Kalibo na ikatlong kaso nito.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr., hepe ng Provincial Health Office sa Aklan, ang 40-anyos na lalaking person under investigation (PUI) ay ipinadala ang kanyang swab sample sa Western Visayas Medical Center sa Mandurriao, Iloilo City at lumabas sa pagsusuri na positibo ito sa severe acute respiratory syndrome (SARS) coronavirus 2, na siyang nagdudulot ng COVID-19.

Galing umano sa Maynila ang pasyente at dumating sa Aklan noong Marso 14. Nagsimula itong ubuhin noong Marso 23.

Ang dalawa pang kumpirmadong kaso ay mag-asawa kung saan 68-anyos ang lalaki at 66-anyos ang babae, na parehong ginagamot sa kasalukuyan sa isang ospital.

Ang tatlong iba pa ay isang 37-anyos na medical frontliner na kasalukuyan nang naka-quarantine, 81-anyos na lalaking nasa ospital na rin, at isang 44 taong gulang. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad