Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 dam ipapalibot sa Cagayan River – DPWH

0 102

Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtayo ng anim na dam na magkokontrol sa dami ng tubig na umaagos sa Cagayan River at mapigilan ang pagkakaroon ng mapinsalang pagbaha sa kapaligiran nito.

Sa pagdinig ng Senado sa nagdaang pagbaha na nagpalubog sa maraming bahagi ng Luzon, sinabi ni DPWH Engineer Jerry Fano na may kabuuang 520 kilometro ang Cagayan River at dumadaan sa limang lalawigan sa Luzon.

SM food to go Banner Ad

Anim na pangunahing tributary o daluyan na tubig ang umaagos sa Cagayan River basis at kinakailangan aniyang magkaroon ng imprastraktura para makontrol ang dami ng tubig na pumapasok dito.

“Isa lang po ang meron tayong controlling dam—the Magat dam that serves or at least control the voluminous amount of water that goes into the Cagayan River,” pahayag ni Fano sa komite.

“Kailangan natin ng lima pa o anim to complement it. That’s why we propose dams to be constructed as part of our long-term plan,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.