Abante Tonite Interactive

6 dating reinforcement, pasiklaban sa Comm Cup

370

Anim na koponan sa pangunguna ng defending titlist Barangay Ginebra San Miguel, newly-cowned Philippine Cup champion San Miguel Beer at Rain or Shine ang muling sasandal sa mas kabisado at subok nang imports sa pagsiklab bukas, Linggo ng 44th PBA 2019 Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Balik si resident import Justin Brownlee habang bagong uniporme ang isusuot na ni Denzel Bowles – RoS na matapos bitbitin ang B-Meg (Magnolia Pambansang Manok na) sa korona noong 2012 midseason conference.

Nakatutok sa posibleng back-to-back crown at sa grand slam, paparada ng Beermen si Charles Rhodes na magugunitang tinrangkuhan ang team sa 2017 Comm Cup championship.

Ilang import ang pamilyar na rin sa liga ang mga maglalaro para sa Magnolia na kinuha si John Fields, ang Blackwater na si Alex Stepheson ang gagamitin, at ang Phoenix Pulse na aasa kay Robert Dozier.

Kabilang ang Columbian sa anim din na may bagong mukhang gagamitin sa katauhan ni ASEAN Basketball League veteran Kyle Barone, sa Meralco ang isang dating miyembro ng Nigerian national team at beterano sa Japanese pro-league na si Gani Lawal.

Si dating NBA pla­yer Terrence Jones na naglaro sa Houston Rockets ang sa TNT, sa NorthPort ay si dating Texas Longhorn Prince Ibeh habang ang Alaska ay kay si Chris Daniels habang ang NLEX ay kay Curtis Washington. (Lito Oredo)