Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 dawit sa fishball rambulan

0 211

Sugatan ang apat katao na kinabibilangan ng dalawang menor de edad matapos na tamaan sila ng ligaw na bala nang magbarilan ang dalawang magkaaway na lalaki, Lunes ng gabi, sa Zamboanga City.

Kasalukuyang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang nakilalang sina Benkimar Eslim, 26-anyos, fish vendor; Al-Aziz Baguinda, 18, vendor; at 16-anyos at 12-anyos na mga lalaki.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na nag-away at nagbarilan sa lugar.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Shellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi, kamakalawa, sa Phase 3, Brgy. Kasanyangan, Zamboanga City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na kasalukuyang bumibili ng fishball ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki at nagkaroon ng pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay bumunot ng baril ang dalawa at nagbarilan sa lugar dahilan upang tamaan ang mga biktima.

Matapos ang ilang saglit na palitan ng putok ay parehong tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa nabanggit na pagamutan.

Nakuha ng pulisya sa crime scene ang walong basyong bala ng kalibre .45 baril at pitong basyong bala ng 9mm na baril. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.