Abante Tonite Interactive

6 dinakma sa mga pekeng senior, PWD ID

0 314

Arestado ang anim na mamemeke ng mga ID ng senior citizen at Person with Disability (PWD) sa isang entrapment operation ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team kahapon sa Maynila.

Kinilala ni Police Maj. Rosalino Ibay, hepe ng SMaRT ang mga suspek na sina Rizaldy Sayana, Carlo Magno, Carlito Ibarra, Chris Alonzo, Joshua Flores at Angelica Aranda.

Nabatid na iprinisinta kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga suspek pasado alas-sais ng gabi matapos maaresto sa 829 Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila alas-tres ng hapon.

Ayon kay Director Re Fugoso, ng Manila Department of Social Welfare, marami nang nakumpiska na mga pekeng ID habang nagsasagawa ng data gathering activity ang kanyang tanggapan para sa monthly allowance ng mga senior citizen at PWD.

Nakumpiska sa mga suspek ang pekeng ID, dalawang computer set at 10 pirasong P100 bill na marked money. (Juliet de Loza-Cudia)