Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 drug suspect timbog sa Marikina

0 62

Kulungan ang bagsak ng dalawang tulak at apat pang kasabwat, sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark Warren Sarte, 39, at Julius Galleon, 31, kapwa nasa listahan ng unified drug watchlist, kasama sina Loundro Punla, 42; Felix Cesar Dy, 53; John Lester Grimaldo, 33; Danica Velasco, 23.

Inaresto ang mga suspek ala-1:10 Martes ng madaling-araw sa 1st St., Paliparan, ng nasabing barangay. Nakumpiska mula sa kanila ang 13 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P272,0000, isang digital weighing scale at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.