Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 flying voters nirapido

0 64

Isang hinihinalang flying voter ang nasawi habang lima pa ang sugatan matapos ratratin ng armadong mga kalalakihan sa Tabuan-Lasa, Basilan.

Kinilala ang nasawi na si Ricardo Fabian, 47, ng Zamboanga City. Sugatan naman sina Andy Reyes, 30; Nurrudin Gadjali, 29; Alnasri Jammang, 29; Bol Madjalis, 48 at Hakim Munib, 38.

Naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon nitong Lunes sa may Barangay Tong Umus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatayo sa tabing-dagat ang mga biktima at naghihintay ng pump boat para maghatid sa kanila sa polling precint na kanilang pagbobotohan sa Lanawan Island nang dumaan ang isang sasakyan lulan ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima kung saan napuruhan si Fabian.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya base na rin sa usapan sa lugar, posible umanong flying voters ang mga biktima dahil hindi tagaroon ang mga ito subalit doon umano sila boboto. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.