Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 galamay ng terror group todas sa engkuwentro

0 95

Patay ang anim na miyembro Islamic State local terror group habang dalawang pulis naman ang sugatan sa naganap na engkwentro laban sa awtoridad sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ni PCol. Jemuel Siason, South Cotabato police Director, ang isa sa mga nasawing suspek na si Jayton Sadalao, habang inaalam pa rin nila ang pagkakakilanlan ng iba pang nasawing mga suspek na pawang miyembro ng Dawlah Islamiya- Maguid Group, kabilang sa Islamic State na kagrupo ng Ansar Al- Khalifa Philippines.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naganap ang engkwentro alas-singko kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Koronadal Proper sa bayan ng Polomolok. Isisilbo umano ang warrant of arrest para sa kasong murder laban kay Arafat Bulacon, isang miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Si Bulacon at ang kapatid nitong si Mommamad ay suspek sa pagpatay kay Patrolman Achilles Tablazon nitong Setyembre sa bayan ng Tupi. Armado umano ng malalakas na kalibre ng baril ang mga suspek at nakipagsabayan ng putok sa mga awtoridad sanhi ng kanilang kamatayan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.