Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 hanggang 8 bagyo papasok sa PH – Pagasa

0 48

Anim hanggang walong malalakas na bagyo ang posibleng pumasok sa Pilipinas sa susunod na anim na buwan.

Ito ang inihayag Dr. Marcelino Villafuerte ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Laging Handa public briefing kahapon.

“May forecast po tayo na about six to eight tropical cyclones to enter in the next coming six months. Nakadalawa na tayo and then may mga low pressure area din na na-develop in the past few days,” ani Villafuerte.

Sinabi ni Villafuerte na nagiging matindi ang mga pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha o kaya naman ay matagalang tagtuyot at pagtaas ng tubig sa karagatan dahil sa global warming.

Kaya naman asahan aniya ang mas malalakas na mga bagyong papasok sa bansa kapag nagpatuloy ang nararanasng global warming.

Ayon kay Villafuerte, kabilang sa epekto ng climate change ay ang pagtaas ng temperatura sa karagatan na magreresulta sa mas malakas na bagyo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.