Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 hinawla sa tupada

0 113

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng iligal na sugal at sunod-sunod na operasyon ng tupada, mistulang “hide and seek” ang mga awtoridad at mananabong matapos na anim na katao ang dinampot pero mas marami ang nakatakas sa Dasmarinas City, Cavite.

Kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Cockfighting/Tupada) ang kinakaharap ng naarestong sina .Jaime Belmin; Edward Robles; Jonathan Abbot; Rowel Guimbe; Angelo Salamat at Francisco Tesorero Jr.

Sa ulat ni Corp. Franz Marione Zorilla, ng Dasmarinas City Police Station, alas-3:50 kamakalawa ng gabi nang isagawa ang anti-illegal gambling operation ng OPD-SOG sa Brgy Paliparan 3 kung saan naaktuhan ang grupo sa gitna ng tupada.

Narekober sa lugar ang dalawang sasabunging manok, tari at P2,200 na perang pamusta. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.