Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 holdaper bulagta sa shootout

0 63

Patay ang anim na hinihinalang sangkot sa serye ng robbery-holdap at carnapping sa Metro Manila, Calabarzon at Gitnang Luzon matapos ang naganap na engkuwentro laban sa mga tau­han ng Highway Patrol Group (HPG) at Antipolo City Police, Huwebes ng madaling-araw sa Brgy. San Jose, Antipolo City.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napatay na mga suspek kung saan lulan ang apat dito ng isang kulay brown na Kia Rio Sedan habang ang dalawa ay magkaangkas sa isang motorsiklo.

Ang insidente ay nangyari sa kahabaan ng Marcos Highway sa Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose ganap na ala-1:00 kahapon ng madaling-araw.

Base sa inisyal na ulat ng PNP-HPG Task Force Limbas, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa gagawing panghoholdap ng mga suspek sa Boso-Boso Shell gasoline station kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.

Nang mamataan ng mga suspek ang mga tauhan ng HPG ay agad umano silang nagpaputok at tumakas patungo ng bayan ng Baras, Rizal.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nagkaroon ng running gun battle sa pagi­tan ng pulisya at mga suspek habang mabilis namang inalerto ng mga tauhan ng HPG ang Antipolo Police sa pangyayari na agad namang kumilos at nagsagawa ng pagbabarikada sa ka­habaan ng Marcos Highway kung saan daraan ang mga suspek.

Matapos makorner ang mga suspek ay pilit pa rin silang pinasusuko ng pulisya subalit nan­laban umano ang mga ito at pinaputukan ang huli dahilan upang mamaril din ang awtoridad na ikinamatay ng nauna.

Isang pulis naman ang tinamaan ng bala pero nasa maayos namang kalagayan dahil nakasuot ng bulletproof vest.

Natagpuan sa lugar ang 40 basyo ng bala sa iba’t ibang kalibre ng baril.

Napag-alaman pa sa ulat ng PNP-HPG na matagal na nilang minamanmanan ang nasabing grupo na sangkot umano sa serye ng robbery-holdap sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila at Rizal.

Nagsanib-puwersa umano ang mga grupo mula sa Rizal at Pampanga upang gumawa ng krimen, partikular ang robbery-holdap at car­napping. (Edwin Balasa/Riz Dominguez/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.