Abante Tonite Interactive

6 KASO VS DE LIMA INIREKOMENDA

By
6

Pinabibira ng anim na kasong kriminal ng minorya­ sa Mababang Kapulungan ng Kongreso­ si Sen. Leila de Lima kaugnay ng umano’y naging papel nito sa pag­laganap ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong siya’y secretary pa ng Department of Justice (DOJ).

Sa 15 pahinang dissenting opinion/report na iprinesenta ng grupo ni House minority leader Danilo Suarez sa isang press briefing kahapon, kinontra ng mga ito ang committee report ng House Justice Committee­ na nag-imbestiga sa ­illegal drug trade sa NBP ­dahil hindi­ nagrekomenda­ ng anumang kaso laban sa senadora.

“The minority believes that the affidavits of key witness reveal that Senator De Lima may be prosecuted for the following six (6) crime of offenses: (1) violation of Section 8 and Section 27 of Republic Act 9165, (3) Section 7(d) of Republic Act 6713, (2) Section 8 of Republic Act 3019,” ayo­n sa minority report.

Sumabit umano sa Section 8 (protector/coddler) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si De Lima matapos kumpirmahin ng isa sa mga witness na si Engelberto­ Durano na sinabihan umano siya ng driver ni De Lima na si Ronnie Dayan na poprotektahan­ ang illegal drug business nito kung tutulong sa pag­likom ng campaign fund ng senadora.

Dahil dito, nagkaki­lala umano sina Dayan­ at kaibigan ni Durano na drug lord na si Jeffrey ­Diaz, alyas Jaguar kaya lumawak hanggang Zamboanga ang drug ope­ration ng Cebu-based drug lord at matapos nito ay personal na nagbigay si Durano ng P1.5 milyon­ kay De Lima sa kubol ni Jaybee Sebastian.

Bilang public official,­ nilabag umano ni De Lima­ ang Section 27 ng RA 9165 dahil hindi nito ipinatupad ang batas laban sa mga drug lord sa nasabing kulungan at sa halip ay binigyan pa ang mga ito ng proteksyon.

Nilabag din umano ni De Lima ang Section 7 ng RA 6713 o Code of Ethic­s and Ethical Standards ­dahil sa paghingi at pagtanggap ng pera mula sa mga drug lord sa Bilibid.

Paglabag naman sa Section 210 (RA6713) o Direct Bribery at Section 211 o indirect bribery ang karagdagang kaso na ipinasasampa ng minorya kay De Lima dahil mga testimonya ng ilang witness na nagdeliber ang mga ito ng pera sa bahay ng senadora sa Parañaque City bukod sa nakukuha nitong pera kay Herbert Colangco.

Maliban dito, luma­bag din umano si De Lima­ sa Section 8 ng RA 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act na may kinalaman sa unexplained wealth ng senadora.

Kung mapatunayang guilty si De Lima sa mga kasong inirekomendang isampa ay maaari itong masibak at makulong ng habambuhay.