Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 lalaki sinunog P200K cable wire, tiklo

0 220

Bagsak sa kulungan ang anim na lalaki, kabilang ang isang menor de edad, nang magsunog ng kable ng kuryente at telepono sa GMA, Cavite Huwebes ng madaling araw.

Kasong paglabag sa RA 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 ang kinakaharap nina Juanito De Guzman, 30; Marlon Montallana, 33; Mark Joseph Dacaymat, 22; Florante Recamara, 44; Jeffrey Cruz, 36 at ‘RJ’, 17-anyos, at pawang residente ng Upper Sucat, Muntinlupa, City.

Sa ulat ni P/MSgt. Jonarey Visca ng GMA Police, alas-dos Huwebes ng madaling-araw nang nakatanggap sila ng tawag ang mga operatiba mula sa mga barangay official ng Brgy. Pulido ng naturang bayan dahil sa reklamo ng mga residente hinggil sa nagsusunog sa isang lote na umano’y nagdudulot ng hirap ng paghinga ng ilang residente.

SM food to go Banner Ad

Rumesponde ang mga operatiba at naabutan pa ang mga inarestong suspek na nagsusunog ng mga kable ng telepono at kuryente.

Nabatid na walong sako na ang nasunog ng mga ito, na tinatayang 1,400 kilo at nagkakahalaga ng P200,000. Narekober sa lugar ang 35 sako pa na naglalaman ng mga kable.

Dahilan ng mga suspek, ibebenta umano nila ang sinunog na kable para magkapera. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.