Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon

0 159

Anim na volcanic earthquake ang panibagong naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Bukod dito, ayon na rin sa April 5 bulletin ng Phivolcs, naglista rin ng ‘very weak to moderate’ na pagsingaw ng usok sa bulkan na umabot sa 300 metro ang taas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon ay nanatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Kanlaon, na nangangahulugang nasa abnormal condition ito at pumasok na sa ‘period of unrest’.

Patuloy sa pagpapaalala ang Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 kilometrong radius na permanent danger zone ng bulkan dahil may tsansa pa rin anila itong sumabog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.