Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 lugar positibo sa red tide – BFAR

0 51

Pinaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na iwasan muna ang pagkuha ng shellfish at alamang mula sa anim na lugar sa bansa na nagpositibo sa red tide.

Nabatid na ang mga lugar sa coastal waters ng Bolinao, Pangasinan, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, coastal waters ng Milagros, Masbate, Litalit Bay, San Benito, Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur ay apektado ng red tide.

Ibinabala ng BFAR lahat ng uri ng shellfish o alamang na nakokolekta mula sa nasabing mga lugar ay hindi ligtas kanin.

Sa kabila nito, sinabi ni BFAR National Director Commodore Eduardo Gongona na ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas kainin basta’t sariwa, nahugasang mabuti at maayos na naluto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.