Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 Manila ospital tatanggap ng mga outsider

0 68

Maaari nang gamutin ang mga hindi residente ng Maynila sa anim na ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod.

“Kahit sino, yakapin natin,” utos ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng director ng mga pagamutan.

Ibinilin ito ng alkalde sa ginanap na pulong na dinaluhan nina Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center director Dr. Ted Martin, Ospital ng Tondo director Dr. Myrna Paloma, Justice Abad Santos General Hospital director Dr. Merle Sacdalan, Ospital ng Sampaloc director Aileen Lacsamana, Sta. Ana Hospital director Dra. Grace Padilla at Manila COVID-19 Field Hospital director Dr Arlene Dominguez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod dito, ipinasama na rin ni Moreno ang hindi taga-Maynila sa kanilang COVID-19 vaccination program.

“Good news: the vaccination in the city of Manila had been saturated and only a few remain unvaccinated. We will now open our health centers for mass vaccination to bring the jabs nearer to those who are yet to get their first dose.” (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.