Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 menor-de-edad tinimbog sa karera ng kalabaw

0 501

Labing-limang katao na kinabibilangan ng anim na menor de edad ang nasakote ng Pulilan police makaraang mahuli ang mga ito habang nagsasagawa ng illegal gambling sa pamamagitan ng karera ng kalabaw sa may Avida Land Subdivision Barangay Taal, Pulilan, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Base sa report ni P/Lt.Col. Jesus Manalo, chief of police ng Pulilan police, kay P/Col.Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang naarestong sina Marcial Sulit y Cruz, 65; Efren Martin y Santos, 62; Gilbert Calderon, 43; Joshua Borile, 31; Erwin Manalaysay, 26; Jaime Manalaysay, 26; Mark Jayson Enriquez, 33; Manny de Castro, 42, Marvin Salvan, 31 at anim na kabataang pawang nasa 9-16 ang pagitan ng edad.

Nabatid kay P/SSgt. Joselito Espiritu, na pasado alas-10:00 ng umaga nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na karera ng kalabaw sa Phase 2, Avida Land sakop ng Barangay Taal, Pulilan kaya kaagad sinalakay ang lugar at masakote ang grupo.

Nakarekober ang awtoridad ng walong kalabaw na karamihan ay imported, apat na carabao carts, P2,810 cash at 2 improvised electric shocks.

Ang 6 menor de edad ay nasa pangangalaga ng lokal na tanggapan ng DSWD. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.